Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘State of National Calamity-Nov. 2013’


MALACAÑAN PALACE
MANILA

BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES

PROCLAMATION NO. 682 

DECLARING A STATE OF NATIONAL CALAMITY

WHEREAS, Typhoon Yolanda (international codename: Haiyan) caused widespread death, destruction and incalculable damage in several areas, including the Samar provinces, Leyte, Cebu, Iloilo, Capiz, Aklan and Palawan;

WHEREAS, in accordance with Republic Act No. 10121, or the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) has recommended the declaration of a State of National Calamity;

WHEREAS, the declaration of a State of National Calamity will hasten the rescue, recovery, relief, and rehabilitation efforts of the government and the private sector, including any international humanitarian assistance; and

WHEREAS, this declaration will, among others, effectively control the prices of basic goods and commodities for the affected areas and afford government ample latitude to utilize appropriate funds for rescue, recovery, relief, and rehabilitation efforts of, and to continue to provide basic services to, affected populations, in accordance with law.

NOW, THEREFORE, I, BENIGNO S. AQUINO III, President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and by law, do hereby declare a State of National Calamity.

All departments and other concerned government agencies are hereby directed to implement and execute rescue, recovery, relief, and rehabilitation work in accordance with pertinent operational plans and directives.

All departments and other concerned government agencies are also hereby directed to coordinate with, and provide or augment the basic services and facilities of, affected local government units.

Law enforcement agencies, with support from the Armed Forces of the Philippines, are directed to undertake all necessary measures to ensure peace and order in affected areas, as may be necessary.

The State of National Calamity shall remain in force and effect until lifted by the President.

DONE in the City of Manila, this 11th day of November in the year of our Lord, Two Thousand and Thirteen.

(Sgd.) BENIGNO S. AQUINO III

By the President:

(Sgd.) PAQUITO N. OCHOA, JR.

Executive Secretary

source: Official Gazette of the Republic of the Phils.

Advertisement

Read Full Post »


We are now under state of national calamity. I don’t know, since typhoon Yolanda, I have almost forgotten how to make a blog. Just crying my heart out and bombarding heaven with prayers for our unfortunate brothers and sisters affected by the strongest typhoon on earth ever recorded in the last three decades.  May I ask you all to say a prayer for our country? Thank you so much. (I have posted the English translation of PNoy’s statement below).

Pahayag
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Ukol sa bagyong Yolanda

[Inihayag noong ika-11 ng Nobyembre 2013]

Nitong Biyernes, humagupit sa malaking bahagi ng Kabisayaan ang Bagyong Yolanda. Isa ito sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa, kung di man ng buong mundo. Nagpapasalamat po tayo sa mga dalubhasa mula sa PAGASA, Mines and Geosciences Bureau, Phivolcs, at DOST, na kumalap at nagbigay ng tama at detalyadong impormasyon na naging dahilan upang makapaghanda nang maayos ang ating mga kababayan. Ito ang nagbigay-daan para sa iniuulat na mababang casualty count mula sa ilang mga probinsyang dinaanan din ng bagyo, tulad ng Oriental at Occidental Mindoro, Negros Occidental, Palawan, Aklan, at Romblon, kung saan maagang nakapaghanda ang lokal na pamahalaan.

Sa kabila po nito, personal din nating nasaksihan ang matinding pinsalang idinulot ng bagyong ito sa Leyte at Samar. Dito sa kung saan tila naembudo ang mga storm surge ni Yolanda nakita ang pinakamabigat na pinsala, at dito nakatutok ang ating pagbibigay lingap sa mga sandaling ito.

Humihingi rin po tayo ng pang-unawa sa lahat. Sa paghahagupit ni Yolanda, nawalan ng kuryente at komunikasyon sa maraming lugar. Apektado po nito, hindi lamang ang pakikipag-ugnayan ng mga nais makasigurong ligtas ang kanilang mga kaanak, kundi pati na rin ang koordinasyon ng ating relief efforts. Para mapadala ang pangangailangan, kailangan nating malaman ang kakulangan ng bawat lugar; nahirapan po tayong makuha ang mga datos na ito. May ilang lokal na pamahalaan, sa lakas ng delubyo, na bumigay din po dahil kabilang sa mga nasalanta ang kanilang mga tauhan at opisyal. Isipin po ninyo, bumalik tayo sa situwasyon kung saan pasa-pasa ang impormasyon—walang TV, cellphone, o internet; sarado ang mga tindahan; hindi naging madali ang pag-oorganisa ng relief efforts. Naging ugat po ito ng kaguluhan sa ilang mga lugar.

Dito po’y papasok ang pambansang pamahalaan. Imbis na dumagdag lamang tayo sa lakas ng mga komunidad, kinailangang manguna ng pambansang gobyerno. Nilinis ng DPWH ang mga kalsadang binagsakan ng malalaking puno at mga poste ng kuryente ; lahat ng naireport na bara ay nabuksan na. Ayon na rin sa kahilingan ng mga lokal na opisyal, nagpadala tayo ng karagdagang 800 mga sundalo at pulis sa Tacloban upang ibalik ang kaayusan. May tatlong repacking center po tayong naglalabas ng di baba sa 55,000 mga family food pack kada araw; inatasan na po natin si Secretary Abaya ng DOTC upang imando ang pagdadala ng mga relief goods kung saan ito pinakakailangan.

Inuna natin ang pagdadala ng pagkain, tubig, at gamot sa mga pinakaapektadong lugar. Dadaanin po natin sa mga barangay ang pagpapamigay ng mga pangunahing pangangailangang ito; 24,000 family food packs na po ang napamudmod sa Tacloban kahapon, at nakasentro ang pagpapamigay sa walong pinakamalaking barangay doon. Mayroon tayong dalawang water purification facilities, at marami pa ang darating, upang masigurong may maiinom ang ating mga kababayan. Inaayos na natin ang mekanismo para mapalawak ang saklaw ng social housing program ng pamahalaan. Mula po sa ating mga calamity funds, contingency funds, at savings, mayroong 18.7 billion pesos na maaaring gamitin upang ibangon ang mga lugar na pininsala ni Yolanda.

Dumarating na rin po ang tulong mula sa ibang bansa; 22 bansa na po ang nagpanata o nagbigay na ng tulong, kabilang na ang Indonesia, Amerika, Inglatera, bansang Hapon, Singapore, New Zealand, pati na rin po ang Hungary. Tumutulong na rin po sa iba’t ibang paraan ang pribadong sektor upang ibangon ang mga nasalanta, gaya ng sa pagbabalik ng daloy ng komunikasyon at  pati ang pagmimintena ng krudo sa mga apektadong lugar.

Kasabay nito, idinedeklara po natin ang State of national calamity upang mapabilis ang mga pagkilos ng pamahalaan para sa pagsagip, paghahatid ng tulong, at rehabilitasyon ng mga probinsyang sinalanta ni Yolanda. Mahalaga rin ito, hindi lamang para panatilihing kontrolado ang mga presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo na kakailanganin ng ating mga kakabayan, kundi upang maiwasan din ang overpricing at hoarding ng mga mahahalagang bilihin. Inaprubahan din natin ang kabuuang P1.1 billion para pandagdag sa Quick Response Funds ng DSWD at DPWH, para sa agarang pagpapatupad ng mga kinakailangang suporta para sa muling pagbangon ng mga kababayan nating hinagupit nitong trahedya.

Bagaman nakapagtala ng mababang casualty count sa maraming mga probinsyang dinaanan ni Yolanda, sa mga lugar naman na tila naembudo ang bagyong ito, talaga naman pong malaki ang pinsalang nasaksihan natin. Tulad ninyo, gusto ko ring malaman kung paanong maiibsan ang situwasyon sa mga lugar na tulad nito.

Sa mga darating na araw, maaasahan ninyo, lalo pang papaspas ang ayuda. Ang panawagan ko lang po: Ang pagiging kalmado, pagdarasal, pakikisama, at pakikipagtulungan. Siya ang magpapabangon sa atin mula sa sakunang ito.

Maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat.

 

Read Full Post »