Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘Pres. Aquino’ Category


I deliberately postponed blogging until I could gather some good news in my neck of the woods. Things were quite uneventful the past days, nothing really great to blog about.

Oh, I almost forgot, we celebrated Josef’s 37th birthday last August 21, Monday. It was a simple birthday celebration with just the four of us – fried chicken, spaghetti, muffins, cakes. He blew two candles with two kinds of cakes.

Today I had my first dose of Pfizer vaccine. Next would be on July 15. The long wait for other vaccine instead of Sinovac is over. I don’t like Sinovac.

What a sad day today is. He is gone too soon. I was shocked to learn of our former Pres. Noy Aquino passing on early this morning. I didn’t even know he was ill the past months.

For me, he was the best president we ever had. Good service, sincerity, decent, with integrity, loyalty and compassion to the Filipino people. During his term, the Philippines was called the Tiger of Asia.

Rest in peace Pres. Noy. You are now in the bosom of Mama Mary and the loving embrace of Jesus. Your parents, Sen. Ninoy and Pres. Cory must be really happy seeing you again. Please whisper in their ears to guide us always and to make the Philippines a great nation again.

Farewell, God bless you.

Advertisement

Read Full Post »


This is good news, Pres. Aquino declaring the holidays for 2013 early.  Now you can plan your trips and vacations for next year.

A. Regular Holidays
New Year’s Day
Maundy Thursday
Good Friday
Araw ng Kagitingan
January 1 (Tuesday)
March 28
March 29
April 9 (Tuesday)
Labor Day
Independence Day
National Heroes Day
Bonifacio Day
Christmas Day
Rizal Day
May 1 (Wednesday)
June 12 (Wednesday)
August 26 (Last Monday of August)
November 30 (Saturday)
December 25 (Wednesday)
December 30 (Monday)
B. Special (Non-Working) Days
Black Saturday
Ninoy Aquino Day
All Saints Day
Additional special (non-working days)  Last Day of the Year
March 30
August 21 (Wednesday)
November 1 (Friday)
November 2 (Saturday)
December 24 (Tuesday)
December 31 (Tuesday)
C. Special Holiday (for all schools)
EDSA Revolution Anniversary February 25 (Monday)

Read Full Post »


Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa ika-114 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan

 [Inihayag sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan, noong ika-12 ng Hunyo, 2012]

Noon pong nakaraang taon, nagtipon tayo sa Kawit, Cavite, sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan unang iwinagayway ang ating bandila. Doon, unang kumumpas ang martsang Lupang Hinirang, sabay sa pintig ng puso ng mga rebolusyunaryong Pilipinong, sa wakas, ay kalag na sa tanikala ng mga dayuhan. Doon, unang pinasinayaan ang karapatang makapamuhay nang malaya at nagsasarili ang bansang Pilipinas.

Ngayong umaga, ginugunita natin dito sa simbahan ng Barasoain—ang duyan ng ating Saligang Batas—ang ika-isandaan at labing-apat na taon ng proklamasyon ng kalayaan. Dito nagtipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang probinsya upang magkasundo kung paano aarugain at payayabungin ang ipinaglaban nilang kalayaan. Dito itinatag ng Kongreso ang Unang Republika ng Pilipinas, gayundin ang pagpapatibay at pagpapatunay sa Konstitusyon ng Malolos, ang unang Republikanong Konstitusyon sa kabuuang Asya. Dito, napagpasyahan nilang panghawakan ang kinabukasan ng ating bansa, at patunayan sa mundong ang Pilipinas ay para sa Pilipino.

Noon pa man, mulat na ang ating mga ninuno sa prinsipyong bumubuhay sa ating demokrasya: ang ganap na kapangyarihan ay nagmumula at angkin ng sambayanang Pilipino, kaya’t sa kapakanan ng Pilipino rin ito dapat nakatuon. Pumili sila ng mga kinatawan, hindi para maghari at pagsilbihan, kundi para mamuno at itimon ang bansa tungo sa tamang direksyon, at paglingkuran ang karaniwang mamamayan.

Nang nagpunta sa Malolos ang pitumpung kinatawan mula sa iba’t ibang probinsya, pangunahing bitbit nila ay ang mga adhikain ng sarili nilang mga lalawigan, at ang pangarap ng nag-iisang bayan. Inuna nila ito kaysa sa personal nilang interes. Nakaatang sa kanilang balikat ang obligasyon na isulat ang mga alituntunin na sinang-ayunan ng taumbayan, upang magsilbing gabay kung paano sila mamumuhay at makikitungo nang tama, patas, at makatarungan sa isa’t isa.

Hindi nila tayo binigo. Matagumpay nilang ipinunla ang isang saligan na bukal ng katarungan, magtatanggol at magtataguyod ng kabutihan, at sisiguro sa pantay na karapatan para sa lahat.

Nang nagsisimula pa lang tayo bilang kinatawan ng Tarlac, naging sandigan ko na ang Saligang Batas. Lagi kong binabasa, pinag-aaralan at sinusuri ang mga probisyon nito. Bukod sa napapaloob dito ang mga batayan na dapat kong sundin bilang Pilipino, ginagabayan din ako nito kung paano ko magagawa nang mas mahusay ang obligasyon ko bilang lingkod-bayan.

Hindi ko maiwasang madismaya minsan, dahil matapos ang pinagdaanang ratipikasyon ng ating Saligang Batas noong 1935 at 1987, hindi pa rin nauubos ang mga walang pakundangan pa ring naghahanap ng butas upang gamitin ito sa pansarili nilang kapakanan. May mga opisyal na harap-harapan kung lumabag sa batas, at harap-harapan ding tinatakasan ang pananagutan. Ang Konstitusyon na dapat ay natatakbuhan ng karaniwang tao ay nagiging laruan na lamang ng mga naghahari-harian. Kung umasta sila, animo’y hawak nila ang piring ng katarungan, para bang lisensyado silang palitan, bawasan, ibahin at baliktarin ang Konstitusyon.

Naging saksi ang buong bansa nang nilitis si Ginoong Corona, ang dating Punong Mahistrado.  Inabot ng limang buwan ang prosesong ito. Gayumpaman, pinatingkad nito ang diwa ng ating demokrasya. Karapatan ng mga Pilipinong malaman ang katotohanan at maramdamang buhay ang demokratikong sistema sa bansa. Muli rin nitong idiniin sa ating mga lingkod-bayan na ang kapangyarihang ipinahiram sa kanila ni Juan dela Cruz ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan.

Kung tutuusin, naging talamak ang korupsyon, hindi lamang dahil dumami ang naging sakim sa kapangyarihan, kundi dahil dumami rin ang bilang ng mga manhid at nagwalang-kibo. Naging pundido ang parola ng demokrasya dahil walang nagkukusang alagaan at panatilihin ang alab nito.

Ngayon pong nakabuwelo na ang ating bayan sa tuwid na landas, hindi natin hahayaan pang maligaw tayo sa dilim ng nakaraan. Gaya ng nakasaad sa Saligang Batas, sa taumbayan nag-uugat ang lakas ng ating bayan. Kaya’t makatarungan lamang na sila rin ang makikinabang sa bunga ng ating mga pagsisikap. Kaya naman bawat repormang itinutulak natin—mula sa trabahong naihahandog natin sa ating kababayan, hanggang sa pagtataguyod ng katarungang panlahat; mula sa pagkukumpuni ng sistemang panlipunan, hanggang sa matuwid na paggugol ng ating pananalapi—ay dapat sumasalamin sa prinsipyong pinagtibay sa loob mismo ng simbahang ito noong 1898.

Sa susunod na taon, ipagdiriwang natin ang proklamasyon ng araw ng kalayaan sa Pinaglabanan. At ang plano po natin ay sunod na gunitain ito sa Visayas, at maging sa Mindanao. Bakit taun-taon tayong lumilipat sa iba’t ibang makasaysayang lugar? Upang iparamdam na ang ating kasarinlan ay hindi lamang nangyari sa Kawit, o dito sa Malolos, o sa Luzon lamang. Angkop lamang na maramdaman ng bawat Pilipino—mula sa mga pinakaliblib na bulubundukin, hanggang sa pinakamalalayong isla, kasama na rin ang mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibayong dagat—na ang ipinagdiriwang tuwing ika-labindalawa ng Hunyo ay selebrasyong pambansa; na ang diwa nito ang araw-araw na nagpapaalab sa adhika nating maging malaya.

Tunay na demokrasya para sa lahat ng Pilipino: ito ang kaluluwa ng ating Konstitusyon; ito ang dugong dumadaloy sa puso ng ating malayang Estado. Tangan ang mandato ng Saligang Batas, hindi na natin hahayaang bukbukin, dungisan at gamitin ito ng kahit na sinuman para lamang manlamang sa kapwa at magpakasasa sa kapangyarihan.

Ito ang ipinapaalala sa atin ng Barasoain Church. Noong 1898, nagtipon ang ating mga ninuno dito sa Malolos upang itindig at patibayin ang ating Republika. Ito rin ang nangyari noong 1986 sa EDSA nang buwagin natin ang diktadurya. Ganito rin ang naganap sa halalan noong 2010 na nagbigay daan sa ating mga reporma. Patunay ang mga biyaya ng kasaysayan: makakamtan lamang ang tunay na kalayaan kung handa ang bawat isa sa ating magkakalyo ang talampakan, at diligan ng dugo’t pawis ang ating lupang sinilangan. Taas-noo rin tayong maglakbay tungo sa isang Pilipinas na malaya, hindi lamang sa panggigipit ng mga dayuhan, kundi lalo na sa kurapsyon, gutom at kawalang-katarungan. Buwagin natin ang bartolina ng kadamutan at pagkakanya-kanya; kumalag tayo mula sa tanikala ng pagbabatuhang-sisi at pagwawalang-bahala. Ito ang kahulugan ng tunay na kalayaan.

Magandang araw po. Maraming salamat po sa lahat.

ENGLISH VERSION:

Speech
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
During the 114th anniversary of the proclamation of Philippine Independence

 [English translation of the speech delivered at Barasoain Church, Malolos, Bulacan on June 12, 2012]

A year ago, we gathered in Kawit, Cavite, on General Emilio Aguinaldo’s balcony, where our flag was first unfurled and waved. It was there where our national anthem, the Lupang Hinirang, was first played—its rhythm matching the pulsating hearts of Philippine revolutionaries, who were finally freed from the shackles of foreign rule. There, the Philippines claimed its right to be a free and independent nation.

This morning, we commemorate the 114th year of the proclamation of our independence in Barasoain Church—the cradle of our Constitution. It was here where the representatives of different provinces came together to decide on how best to care for and nourish the hard-won freedom they had fought so hard for. It was here where Congress established the First Republic of the Philippines; here too where the Constitution of Malolos, the first Constitution of a Republic in Asia, was ratified and promulgated. It was here where our forebears decided to take the future of our country into their own hands, and show the world that the Philippines is for Filipinos.

Even in those days, our predecessors were well aware of the principle that keeps our democracy alive: that true power emanates from and belongs to the Filipino people, and that it must necessarily be used for their benefit. They chose representatives not to rule, or to reign supreme, but to guide our country to the right direction, and to serve the common citizen.

When those 70 representatives from different provinces journeyed to Malolos, they brought with them the aspirations of their provinces, and the dreams of our nation. They put these ahead of personal interest. They carried on their shoulders the obligation of codifying the rules the populace had agreed to, the rules that would guide how they would live and relate to others in manner that was proper, fair, and just.

These representatives did not let us down. They laid down a Constitution that acted as a wellspring of justice, that protected and upheld the common good, and that ensured equal rights for all.

And it was our Constitution on which I relied heavily, back when I was starting my term as a representative of Tarlac. I became familiar with it, often reading, studying, and analyzing its provisions. It set for me guidelines I knew I had to follow as a Filipino citizen, and more importantly, it showed me how I could best fulfill my responsibilities as a public servant.

There were times when I could not help but be dismayed, because even after the ratifications our Constitution underwent in 1935 and 1987, it seemed as if there were no shortage of those who sought to discover loopholes to further their own selfish interests. There were some officials who blatantly violated the law, and just as blatantly escaped accountability. The Constitution that was meant to be the refuge of the common citizen became a plaything in the hands of those who wielded power with impunity. They acted as if they held the blindfold of justice in their hands, as if they were licensed to amend, reduce, change, and distort our Constitution.

The whole country bore witness to the impeachment trial of Mr. Corona, the former Chief Justice. This was a process that took five months. And it was a process that strengthened our democracy. After all, Filipinos have the right to know the truth, and the right to know that the democratic system is alive and working in the Philippines. It was a process that once again underscored to all public servants that the power lent to them by Juan dela Cruz comes with responsibilities, and accountability.

Perhaps it may be that corruption became widespread not only because the numbers of the power-hungry grew, but also because the numbers of the apathetic and the silent grew. And so the beacon of democracy went dim, because no one took the initiative to nurture its flame.

Now that our nation has gathered momentum along the straight and righteous path, we will not allow ourselves to lose our way in the darkness of the past. The Constitution states that it is from the people that our country draws its strength. So it is only just that they are the ones who benefit from the fruits of our endeavors. This is why all the reforms we institute—from the jobs we are able to give our countrymen, to our thrust to ensure justice for all; from the reconstruction of our social systems, to the responsible allotment of our funds—mirrors the principle that was strengthened in this very church in 1898.

Next year, we will celebrate the proclamation of our independence in Pinaglabanan. And we have laid out plans to celebrate it in the Visayas, and after that, in Mindanao. Why do we hold our yearly celebrations in these historical places? We do this so we can emphasize that we did not just gain our freedom in Kawit, or in Malolos, or in Luzon alone. It is only fitting that each Filipino—from those in the most secluded mountainsides, to the farthest islands, and those seeking their future on other shores—feels that what we commemorate on the 12th of June is a nationwide celebration; that its spirit is what fuels our desire to be free.

True democracy for all Filipinos: this is the essence of our Constitution; this is the lifeblood of our free State. Cognizant of the mandate enshrined in our Constitution, we will not allow it to be infected, sullied or used by anyone who seeks only to best his fellow men, or wallow in power.

This is what Barasoain Church reminds us of. In 1898, our ancestors gathered here in Malolos to uphold and strengthen our Republic. This was what took place in 1986, in EDSA, when we uprooted a dictatorship. And this too was what took place during the 2010 elections, which paved the way for our reforms. History’s blessings teach us: we will only achieve true freedom when each of us is ready for his soles to be callused, when each of us is ready to give his blood and sweat for our country. With heads held high, we will forge on towards a Philippines free not only from the clutches of foreign oppression, but also and more importantly, from corruption, hunger and injustice. Let us dismantle the bars of selfishness and disunity; let us break free from the culture of finger-pointing and indifference. This is the meaning of true freedom.

Thank you, and good day.

(Source: http://www.gov.ph)

Read Full Post »


Pardon if the translation on the above quote is not exactly right but that sums up PNoy’s speech in his Unang Taon, Ulat Sa Bayan which he delivered at around 4pm yesterday at the Philippine Sports Arena in Pasig City. Of course he has yet to deliver his second SONA, a more detailed description on what has changed and what he has done during his first year in office.

Ulat sa Bayan was just that, some good news on what happened the past year. Many people think that he hasn’t done anything that they could see clearly. If ever there is, they are not affected by it. I didn’t vote for PNoy although I admire his parents to the hilt. This is not the first time that I blogged about the Aquinos – from Ninoy to PNoy to Cory to Kris, the most visible and popular members of the clan. I felt that he was not yet ripe for the presidency but he got my nod and approval when he made his first SONA promising to curve if not to completely eliminate corruption in the government.  I believe it was not just a lip service on his part because he is honest and trustworthy. Granting he is still learning the ropes and adjusting to the gargantuan problems that he inherited from the past administration, at least let us give him the chance to prove himself.  One year is not enough, right? Laying the ground rules, being after the big fish who are  continuously emptying the coffers of the government is no mean feat.

Ang sinabi ko po noon: Pilipino, kasama mo ako. Itutuwid natin ang baluktot, tatanggalin natin ang tiwali, at itatama natin ang mali.

He reaffirmed his commitment to fight corruption.  Some of his detractors are so outspoken about what they think  and how they assess his one year in office.  Their negativity is rubbing off on other people, all they do is whine and complain. And here’s my question to all of you,  what are you doing to help our country rise  again, a country we can be proud of? Are you doing your share or just contented with finding faults instead of finding ways to help? If you can honestly say that you do, then I salute you.

Let us  all be counted, let us  do our share to make this country a better one. Be proud you are Pinoy!

Read Full Post »


Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas

Sa anibersayo ng kanyang panunumpa bilang pangulo

[Inihayag sa PhilSports Arena, Pasig City noong ika-30 ng Hunyo 2011]

Mga minamahal ko pong kababayan,

Isang taon na rin nga po pala ang lumipas. Naaalala pa po kaya ng lahat ang pinagdaananan na po natin? Dati, kapag nakarinig ka ng wangwang sa kalsada, wala ka nang magawa, hindi ho ba, kundi tumabi. Ang pinakamatayog mong pangarap ay makakuha ng VISA para makapagtrabaho sa ibang bansa. Matutulog ka nang mahimbing sana, ngunit gigisingin ka ng bahang halos umabot na sa iyong higaan, dahil wala man lang babalang ipinaabot sa iyo ang PAGASA. Ilan po ba sa atin ang sumuko na at nagsabing wala na sigurong makakamit na hustisya ang limampu’t pitong Pilipinong minasaker sa Maguindanao?

Naalala po ba ninyo ang panahon kung kailan kapag may maririnig kang masamang balita, ‘di mo man lang makuhang umiling dahil alam mong may mas masahol pang parating? Noon, sabay-sabay ang mga Pilipinong nagbuntong-hininga: tiisin na lang natin, tutal patapos na rin naman ito. ‘Di po ba’t nabigla tayong lahat nang umangat ang ekonomiya bago mag-eleksyon noong isang taon—iyon po pala, kaya umangat, nakaantabay na, hindi lang tayo kundi ang buong mundo, sa pagbaba ng administrasyong Arroyo, at sa napipintong pagtatapos ng kalbaryo ng Pilipino. ‘Di po ba’t parang kahapon lang nang iabot ninyo sa akin ang naghihingalong liwanag ng pag-asa, at tinawag ninyo ako upang ipaglaban ang atin pong daang matuwid?

Sa panahon pong tinawag ako ng taumbayan, ni isang karatula o polyeto ay wala pa po akong naiimprenta, dahil alam naman po n’yo, wala po talaga akong kabalak-balak tumakbo. Hindi ko po inambisyon na sagupain ang dambuhalang problema na ipapamana ni Ginang Arroyo—mga problemang pilit kong hinadlangan noong nasa Kamara de Representantes tayo, at sa Senado pa lang ako. At nakita ko na rin naman, sa karanasan ng pumanaw kong ina, kung gaano kabigat ang tungkulin maging isang Pangulo, lalo pa kung mamanahin niya ay sistemang nilapastangan. Tinanong ko ang aking sarili: kakayanin ko kayang kumpunihin ang lahat ng ito?

Malalim ang pagmumuning dinaanan ko bago tumugon sa inyong panawagan. Ngunit nang abutan po ako ng garapong puno ng barya para lamang makatulong sa kampanya; nang salubungin ako ng madlang ‘di man lamang makabili ng payong na panangga sa init ng araw; nang sinabi ninyo sa aking hindi ako nag-iisa—hindi ko po itong masikmurang tanggihan. Hindi ko po kinayang sabihin na, “pasensya na kayo, naduduwag po ako, at gusto ko pa sanang humaba ang buhay ko.” Ang sinabi ko po noon: Pilipino, kasama mo ako. Itutuwid natin ang baluktot, tatanggalin natin ang tiwali, at itatama natin ang mali.

Narito po tayo ngayon, isang taon matapos markahan ang wakas ng pamahalaang bulag at bingi sa hinaing ng kanyang mamamayan. Ipinasa po sa atin ang isang tahanang lumulundo ang kisame at bitak-bitak ang mga pader. Kinahoy na nga po ang mga muwebles, ipinangutang pa ang pamalit. Ang masaklap niyan, alam kong mamanahin natin ang mga utang na iyon, sampu ng lahat ng dumi na ikinalat nila.

Ang pinangangambahan nating pangit na daratnan, mas sukdulan at kasuklam-suklam pa pala ang tunay na kalagayan. Halimbawa: mula taong 1972 hanggang taong 2000, umabot sa 12.9 billion pesos ang utang ng NFA. Nang dumating si Ginang Arroyo, sa loob lamang po ng isang taon, o 2001, naiangat niya ang utang na iyan sa 18 bilyong piso. Ulitin ko lang po: Mula 12, isang taon na lumipas, naging 18 bilyong piso ang pagkakautang ng NFA. Hindi pa po siya nakuntento; pagbaba niya sa puwesto, ‘yung dating 12 billion na minana niya, nasa 177 billion pesos na po ang utang na ipinamana sa ating lahat. Isanlibong porsyento at mahigit pa ang itinaas ng utang ng NFA: record-breaking po talaga ang ginawa nilang pagbabaon sa atin sa utang, hindi ho ba?

Ganitong uri ng administrasyon ang humihikayat sa ating kilalanin ang kanilang mga nagawa, at tumuntong sa kanilang mga balikat. Ganitong uri ng administrasyon ang nagsasabing wala daw pagbabago, at sa malalim na bangin lamang tayo dadalhin ng tuwid na daan. Magpapaloko po pa ba tayo sa pagpupumilit nilang padudahin tayo, para sa pagkalito natin, magkaroon ng puwang na bumalik ang lumang sistema?

Hindi na po ako magsasayang ng panahon para makipagbangayan sa kanila. Nagpapasalamat na lamang po ako sa pag-amin ni Ginang Arroyo na ‘di umano’y kabaliktaran raw niya ako. Sa wakas, magkasundo rin po kami. Talagang magkabaliktad po kami.

Dahil hindi na nga po ako sasagot, hahayaan ko na lamang tumugon ang 21,800 pamilya ng sundalo at kapulisan na maaari na ngayong magkaroon ng disenteng tahanan bago matapos ang taong ito.

Dalawang linggo po, o halos dalawang linggo, inaasahan ko na tutuparin ng NHA na 4,000 doon sa unang 21,000 iyan ang ipagkakaloob na natin sa mga nararapat na kawani po ng gobyerno na bibilang sa hanay ng kapulisan at kasundaluhan—at umpisa pa lang ho iyan.

Hahayaan ko na lang tumugon ang mga maralitang kababayan nating nakarehistro na sa Conditional Cash Transfer program. Apat na araw mula ngayon, sasaksihan ko po mismo ang paglagda ng ika-dalawang milyong benepisyaryo ng CCT. Uulitin ko lang po, two million na po ang na-i-enroll natin sa CCT pagdating ng July 4.

Hahayaan ko na lang din pong tumugon ang halos 240,000 magsasaka na nakikinabang na ngayon sa mahigit 2,000 kilometrong farm-to-market roads na nailatag natin sa loob lamang ng isang taon.

Sila nga po ang tanungin natin? ‘Di ba’t malinaw ang pagbabago? Noon pong isang taon, barko-barkong toneladang bigas ang inaangkat, at katakut-takot din ang gastusin sa mga bodegang pinagtatambakan nito. 1.3 million metric tons lang po ang kailangan natin pampuno sa kakulangan ng ating ani, pero umangkat sila ng dalawang milyong metriko tonelada. Ngayon po, halos kalahati na lang ang inaangkat nating 660,000 metriko tonelada.

Hindi po tayo nag-magic para dumami ang bigas na inaani natin dito: itinutok lang po natin ang pondo ng irigasyon sa kung saan ito pinakamura at mabisa; pinalawak ang paggamit ng maiging klase ng binhi; at pinalawig din ang upland rice farming. Lahat po ito, nagdulot ng dagdag na labinlimang porsyento sa ating inani noong huling taon, at ng pinakamataas na ani sa kasaysayan ng dry season cropping. Pasensya na po kayo, bihira lang ako magtayo ng sariling bangko: 1.3 million tons kulang natin taon-taon. Itong unang taon natin, ang aangkatin 800,000—para may konting reserve—perso 600,000 tons na lang ang kakailanganin natin. (Kailangan pong i-irrigate ang atin pong lalamunan.) Palagay ko po, sa 2013, talagang pupurihin ko kaliwa’t kanan si Secretary Alcala ‘pag totoo nga po na self-sufficient sa rice na tayo sa 2013.

Noon pong isang taon, ilan po ba sa atin ang nangahas mangarap na ang bigas na ating isasaing, dito rin sa Pilipinas itatanim, aanihin, at bibilhin. Mukhang pong matutupad nga: nasabi ko nang ipinangako ni Secretary Proceso Alcala (dinidiin ko po para maalala natin lahat kung sino nangako) na bago matapos ang 2013, hindi na natin kailangan pang mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Mantakin po ninyo: dahil sa tamang paggugol at pagtapal sa mga sugat sa sistema na tinatagasan ng pera ng bayan, nakalikom tayo ng dagdag na pondo upang magpatupad ng mga programang higit pa sa napaglaanang pondo sa ating General Approprations Act. Nagawa natin itong walang itinataas na buwis. Labindalawang bilyong piso na po ang tumutustos sa ating mga pangangailangan: mula sa Pantawid Pasada sa mga pampublikong sasakyan na tinamaan ng pagtaas ng presyo ng langis; hanggang sa pampasahod ng 10,000 nurse na nakadestino sa mga maralitang lalawigan; mula sa pambili ng mga modernong barko na magtatanod sa ating mga baybayin; hanggang sa marami pang ibang mga programa at proyektong totoong napapakinabangan ng kabuoan ng atin pong bansa.

Isipin na lang po ninyo kung hinayaan lang natin ang walang-saysay na paglustay sa kaban ng bayan. Baka po naglalakad na lang ang mga tsuper natin. Baka po ang mga nakaratay sa mga lalawigan ay nananatili pang ngumunguya ng dahon para lunasan ang kanilang mga karamdaman. At baka po patuloy na ngang miski mga isda ay hindi man lang masindak sa ating Hukbong Pandagat.

Pabahay, bigas, seguridad, pasahod, kalsada, pantawid pasada, at salbabida para sa mga kababayan nating nilulunod ng kahirapan: iyan po ang pagbabagong inaani natin ngayon. Alam naman po ninyo, hindi naman po natin nahukay ang kayamanan ni Yamashita para maipatupad ang mga ito. Hinabol lang po natin ang mga tiwali sa gobyerno, itinama natin ang pag-gugol ng pera, at itinuwid natin ang mga baluktot sa sistema.

Tingnan nga po lang natin ang ginawa nila sa Philippine National Construction Corporation: ni hindi nga po nila magawang mag-remit ng disenteng kita sa taumbayan, may kapal ng mukha pa silang umentuhan ang kanilang mga sarili. Limang pahina po ang memo na ipinasa sa akin ng bagong mga opisyal ng PNCC, na nagdedetalye ng mga katiwaliang kanilang naungkat at isinasaayos: mula sa mga walang-katuturang posisyon na pinasasahuran ng kalahating milyon kada buwan, hanggang sa mga cellphone plan na wala namang silbi sa kanilang katungkulan; mula sa mga kagamitang ibinebenta ng palugi para lamang di umanong kumapal ang kanilang bulsa, hanggang sa mga inimbento nilang fixed allowance na hindi bababa sa siyento mil kada buwan; lahat po iyan ay itinigil natin. Kaya naman ang dating monthly expense na 22 million pesos, naibaba na natin sa 11 million pesos.

Isa pa pong halimbawa itong kalokohang natuklasan natin sa PCSO. May pera sila para mag-over-budget sa patalastas na nagbabalandra ng mukha ng kung sino-sinong politiko sa telebisyon, pero wala silang pera para magbayad ng tatlong bilyong pisong utang sa mga ospital ng gobyerno. Dahil sa utang na di mabayaran—dahil sa katiwalian—ang mismong ospital na pinopondohan ng gobyerno, ayaw nang tanggapin ang garantiya ng kapwa nila sangay ng gobyerno. Isipin po n’yo iyon, itinayo, ‘di ba, Philippine Charity Sweepstakes Office—iba ho ang ginugulan ng charity.

‘Di po ba’t sasakit din ang batok ninyo sa kalakarang ito? Pagsisiwalat sa kalokohan, sa halip na pakikisawsaw sa katiwalian: ito po ang pagbabagong sinasabi natin.

Alam ko rin pong marami sa atin ang nag-aapurang anihin na ang mga bunga ng naipunla nating reporma. ‘Di ko naman po masisi ang taumbayang, dumaan sa isang dekada ng katiwalian, at ayaw nang maniwalang posibleng magkaroon ng gobyernong handang tumahak sa tuwid na daan. May ilan pong nahihirapang mapagtanto na kailangan nating magtulungan, magsaluhan, at mag-ambagan para maabot ang ating mga mithiin. Alam ko po ang pinanggagalingan ninyo: Ako man po ay nangangarap na bukas makalawa ay magising tayong may solusyon na sa bawat problemang minana natin. Ngunit alam ko pong mulat din kayo na wala ring maitutulong ang mabilisan, ngunit walang bisang solusyon. Kailangan ang maingat na paglalatag ng reporma, ang pagsigurong epektibo ang ating mga programa, at ang pangmatagalang mga tugon na hindi na magpapamana ng problema sa susunod na salinlahi.

Simple lang naman po, hindi ba? Nakita naman natin kung paano tayo nagdusa noong nakaraan, at nakita rin natin ang situwasyong gusto nating makamit sa kinabukasan. ‘Di po ba’t ngayon, buong-loob na nating pinupunan ang puwang sa pagitan ng mga tagang “sana” at ng “kaya,” at nakikilahok na rin ang bayan upang ang ating mga mithiin ay maabot na nating lahat sa wakas? ‘Di po ba’t ngayon, nasaang panig man tayo ng usapan, ang nagbubuklod pa rin sa atin ay malasakit para sa bayan? Ngayon po, bawat kibot natin, nasusundan na. Nagtataka ako: kung may isyu at magtikom ka ng labi, di maubos ang batikos sa akin. Kapag naman naghahayag ka ng kuro-kuro, pakialamero ang bansag sa akin. Kulang na lang po, kung minsan iniisip ko, hatiin ko ang aking katawan at maging manananggal na lang po ako para mapagbiyan ang lahat ng bumabatikos sa akin. Pero iyon po kasi, tanda lamang talaga na mayroong mga tao, ayaw nilang gumanda ang atin pong inang bansa.

Sinabi ko po sa inyo noong araw: kung walang corrupt walang mahirap. Katumbas ng tamang pamamahala ang direktang benepisyo sa taumbayan, lalo na sa mga kapos po sa buhay: bawat tableta ng gamot na pinopondohan ng gobyerno para sa ating maralitang kababayan, bawat pulgada ng kalsada, bawat pagkakataong makahanap ng disenteng pagkakakitaan—lahat po iyan ay bunga ng integridad at malasakit ng inyo pong pamahalaan na nakikipagtulungan sa sambayanan. Maliwanag po ang patutunguhan natin, at diretso tayong tutungo po doon. Ang serbisyong nakalaan para sa inyo ay dumarating sa inyo: hindi napupunta sa bulsa ng mga naghahari-hariang kung tinignan ampaw naman pala.

Malayo na po ang narating natin sa loob lamang ng isang taon. Isipin na lang po ninyo kung gaano pa katayog ang mga maaabot natin sa susunod na limang taon. Saksi ang Pilipino at ang buong mundo: Nagbubunga na ang pagbagtas natin sa tuwid na landas. Ngayon pa ba tayo aatras?

Sinisikap pa rin pong buwagin ng mga tiwali ang pananalig na nagtulak sa aking tumugon sa inyong panawagan, at nagbunsod sa ating tagumpay noong nakaraang halalan. Inaasahan po natin ito, at alam kong nasa likod ko po rin kayo sa pakikipagsagupa natin sa mga mapang-api. Sinabi ko po dati: kayo ang aking lakas, ang lakas na bukal ng mga tagumpay na inaani na natin ngayon, at ng tuluyan at napipinto nating pagpitas sa katuparan ng atin pong mga pinapangarap.

Hindi kailanman magbabago po ito. Kayo pa rin ang boss ko.

Iyong unang taon po ay puwede na rin ‘yung nagawa natin. Pero ‘yung susunod na taon, inaasahan kong lahat ng kawani ng gobyerno, sampu na ng sambayanan, ay lalong magtutulungan—dahil gusto ko pong tumulin nang tumulin, ang pagbabago nating ninanasa na marating ay lalong maging katuparan na.

Magandang hapon po sa inyong lahat. Maraming salamat po.

(Source:  Official Gazette of the Rep. of the Phils.)

Read Full Post »


Speech
of
His Excellency Benigno S. Aquino III

At the 25th Anniversary of EDSA Eucharistic Celebration

[Delivered at the EDSA Shrine, February 24, 2011]

It has been twenty-five years since EDSA, twenty-five years since our people poured out into the streets to achieve the unthinkable: the end of a violent regime through nonviolent means.

It is only appropriate that this milestone is commemorated here in this shrine. The images of EDSA, after all, cannot be divorced from the images of the church. Look at the pictures of EDSA—they show nuns, priests, rosaries, and people carrying statues of the Virgin Mary on their shoulders. This is because EDSA was not merely a political act; it was also an act of faith. And it was this faith that somehow helped keep EDSA from turning violent.

It is interesting to note that our celebration of 25 years of EDSA today coincides with the wave of democracy now sweeping parts of the Arab world. Even by just watching on TV, the emotion in Egypt and Tunisia was so palpable that it brought back memories of our own experience in 1986. While ours was less violent, the similarities between EDSA and Tahrir Square are uncanny. This shows that the human passion and thirst for freedom is so universal that no autocratic regime anywhere in the world could succeed in its attempt to stay in power forever.

It would seem that 25 years after the restoration of democracy through EDSA, this country should be well on its way toward making democracy truly felt by the people—through a better economy that produces quality jobs and services.

We, unfortunately, are not quite there yet. The past 25 years have been marked with significant gains, followed sadly by backsliding. We would sometimes take two steps forward, then one step backward.

This is what our government today is confronting: the challenge of making progress irreversible and growth equitable and felt by every Filipino. Only then can we say that the democracy we fought so hard for really works.

The good news is we are getting there. We passed a national budget on time for the first time in 11 years. We have put an end to excessive bonuses at government-owned and controlled corporations, to remind them that they are there to serve the people and not themselves. We have ordered some of the most comprehensive restrictions on commercial logging, not to hurt the industry, but to protect our environment for the sake of future generations. This year alone, we are building new irrigation and rehabilitating silted irrigation systems for our farms, so we can produce an additional 1.56 million metric tons of palay per year.

Moreover, we are fighting corruption—not only in the Armed Forces—by seeking to stop an unjust plea bargain between the Ombudsman and General Carlos Garcia. But beyond that, we are allocating to the AFP resources to benefit ordinary soldiers, as well as the PNP. This year, we will build 20,000 housing units for our soldiers and policemen, and providing it to them at very low prices—very much lower than what they are currently paying to rent dwellings that they do not own.

This good news does not always make it to the headlines, but it is happening, and we are committed to achieving more in the coming years.

If there is one key lesson from EDSA that I would like to impart to all of you, it is that the democratic struggle should go beyond a single event. People power did not end at EDSA. The work goes on toward building a more fair and equitable society

To fulfill the promise of EDSA, we have programs to ensure that the most needy among us are not left behind.

Conditional Cash Transfers will keep poor children in school, so that they can have a better future. More schools and public health centers will help keep them healthy as they acquire the skills to earn a decent living.

All of this and more are being done not so much for ourselves but for our children and our grandchildren.

Those who were spared the misfortune that was martial law must now be the beneficiaries of our hard-fought democracy. I would like to think that this celebration is for them, the young people. After all, this is what EDSA was really for.

Remember, our faith teaches us, we will be asked, “What did you do to the least of our brethren?” At EDSA, we stood side by side with complete strangers, with full confidence in them that they were with us in trying to transform our society. That is the key. That is what we have to do to get our country truly transformed.

Thank you. Good evening.

(Source:  Official Gazette)

Read Full Post »


I promised myself that I would start every first day of the month writing a blog but then I got engrossed  with all the news and happenings lately,  foremost of  which , is  the inaugural of Pres. Noynoy.    Honestly, I was overwhelmed by the number of visits to this site since I blogged about  P-Noy  a few days ago.  And for those not in the know,  the president himself asked all Filipinos to call him P-Noy, a rather informal way of course but the masses whom he wants to reach out to can relate to it, me included.  I’m kinda like the big bad wolf devouring all the news about him, be it on the internet , TV or over the radio.  Yes, I listen to the AM band early in the morning for the news while  watering the plants and at the same time watching our two dogs romp in the garden.   I’d like to think I am not alone because even the neighbors and street vendors I talked to were one in saying that they are optimistic about P-Noy being our new president.

And something that’s been a favorite topic, even at the dining table with the kids is the use of  wangwang (siren to you dear readers).  The past years, we’ve been so used  encountering people  using this device to get through traffic in the metropolis that  it has become a way of life and nobody is questioning why even the lowly politicians, and the big time personages in the government have it in their cars. Why, I am not  even aware of the true and legitimate users of these wangwang except the President, police force, ambulances and fire trucks.  Picture this, because  in the past, some people do get away with it.  You are stuck in traffic  and there is an ambulance at a distance and you hear this  wangwang, a signal for everyone to give way since it is probably an emergency.  Then some unscrupulous drivers veer away from the line of traffic and follow the ambulance  to save on precious minutes.  Isn’t it annoying?  Even in our subdivision, I sometimes hear  people riding in motorcycles making use of  it  and they are not even in uniform. I am glad, just glad that  P-noy is strictly implementing  the anti-wangwang campaign. It’s about time we are taught these simple lessons.

No limo, no counterflow. The president is serious about not using Malacanang’ s limousine on his sorties.  He  said that his car, a Toyota Land Cruiser, is bullet proof anyway so why waste so much on gas when  he  can save a little using his own car?  He was late  arriving at Camp Aguinaldo the other day because he was stuck in a  traffic jam for more than thirty minutes.  It must be a nightmare for the PSG but when people learned that the president was there (somewhere along EDSA), they were waving the Laban sign and seemed even glad that he was following what he was implementing.  He said that he would wake-up earlier so he would not get stuck in traffic.

I believe that there is still HOPE for all of us as long as we  make  promise to help even just in our own little way.  Kung gusto nating umunlad, kailangan din natin ang disciplina sa sarili. The next six years would probably be the start of a new and better Philippines.  I am optimistic, are you?

Read Full Post »


I’ve been blogging about Pres. Noynoy since yesterday, and these are  just tidbits I saw while watching the inauguration: – Ninoy left Times St. at 9:45am on the dot and I admire that

-According to the news anchors of ABS-CBN, he had burger patties and fried rice for breakfast, a simple fare for the next president. I saw VP Binay’s house earlier and breakfast was catered….haha!

Stopping on red lights. Truly admirable and he is showing that discipline comes into play even through  a simple act as obeying traffic lights. setting an example is the best way to start a good governance.

-The historic walk to Malacanang at 10:25am with the two presidents,  shaking hands and smiling at the press people around. What could they be thinking?

-Riding together going to Luneta at the Presidential car.  I wonder what they talked about.

-The last farewell of outgoing  Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Although she is considered as the most unpopular president, I felt kind of  sad that she was saying goodbye.

-VP Jejomar Binay riding on his E-jeep.  Truly Filipino!

-It’s a virtual sea of yellow, the yellow color being the trademark of the Aquino family from the time Ninoy died until now.

-Charise Pempengco, our international celebrity singing the National anthem Lupang Hinirang, makes you proud to be Pinoy!

-Baby James waving at  the crowd.  Showbiz talaga ang dating 🙂

-The mini-concert led by the Apo Hiking Society, Ogie  Alcasid, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Christian Bautista , Noel Cabangon and the UP   Madrigal singers.

-Enrile reading  Proclamation of Aquino-Binay Victory at around 11:16am.  Pres. Noynoy ‘s parents must be smiling in their graves.

-DFA said that there were about 100 foreign dignitaries who attended the inauguration

-The  actual oath-taking done by the VP and the president, it’s the highlight of the event.

-The Inaugural  Speech –  I had goosebumps listening to Pres. Noynoy deliver it.

-The  trip back to  Malacanang, this time as the new President of the Philippines.

-Pres. Noynoy briefly stopping by the large portrait of his late mother, Pres. Cory Aquino.  I shed a tear or two watching that scene.

Bravo Pres. Noynoy!

Read Full Post »


I have been glued to the TV screen since yesterday when Pres. Noynoy held a press conference  to announce  the new members of his cabinet.  Like every Filipino, who is aspiring for change, I am also very hopeful of the future.   I must admit that  I didn’t vote for Noynoy during the election. Like the rest of the voting populace, I felt that many of us were just riding on the popularity of his parents and that Noynoy would not be good enough to become the next president.   And I don’t really care about writing a political blog because I am not that interested in politics.  You have to get your facts right  to be credible.  But time and again, I write about the Aquino family,  I  am a fan, you see and I greatly admire the late Sen. Ninoy Aquino and  the late Pres. Cory Aquino.  For me, they are the embodiment of a what we call “true Filipinos” because of their unselfish love for our country.

Today  marks another event that is very significant to our country, the inaugural of a new president.  I was greatly touched by  Pres. Noynoy’s inaugural speech.  Delivered mostly in Pilipino, it makes me really proud to be Pinoy.  It was sincere, direct to the point and easy to grasp.  I believe that he spoke from the heart.  The thing is, we must not expect too much on what he can do to our country but rather, we must ask ourselves what we can do and contribute to help build a nation which we can truly be proud of.

There is this  campaign by ABS-CBN called Ako Ang Simula.  I like the concept and it is true that positive change could be achieved if we take it upon ourselves to start within and not rely on other people to do it for us.  It is always easy to blame the government when things fail, but are we doing our share?  As they say, “walk the talk”.

Congratulations Pres. Noynoy, I will be praying for you. I sincerely believe that you have a good heart to lead the nation to a greater height.

Read Full Post »


And here is the very touching inaugural speech of our new president, Pres. Benigno Aquino III:

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, members of the Supreme Court, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktadurya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na po kami ng dugo at handa kong gawin ito kung muling kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa – nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din – talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito – dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman po ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

· dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;
· serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;
· tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga ng tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin na ang papasok na Secretary Alcala ay magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili – lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap lamang ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA at ng OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proceso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusiyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayaan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong maulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatan na ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang aking taos-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Read Full Post »

Older Posts »